Sunday, July 24, 2011

binabago ng maynila ang lahat ng nananahan dito

Paglingon ko may taong sumusunod sa akin, mabilis na tumakbo at dinakma ang aking leeg sabay itinutok ang patilim sa aking braso at biglang nagsabi "mamatay ka". Sumulpot pa ang isa pang lalaki at inundayan ako ng dalawang magkasunod na suntok sa aking sikmura at dalawang magkasunod na sipa sa aking binti. pilit akong iginugupo  sa gilid ng kalsada, ilabas ko raw ang aking pitaka, ang pera, ang cellphone, kinakapa sa aking bulsa subalit wala silang masalat, pilit na hinubad sa aking balikat ang bag kong aking kibat. nang makuha na ang bag ay muling kinapa ang aking pantalon, asan daw ang cellphone ko sabi ko asa bag lahat. binitawan nila ako at isang malakas na sipa pa ang ipinagkaloob sa aking hita. naalaa ko bigla, lahat ng gamit ko ay andoon kasama ang Identification card at regi, sinubukan kong hingin kahit ang aking regi subalit hindi nila ito ibinigay, mabilis na tumakbo patungo sa kabilang kalsada at wala na akong magawa kundi titigan sila habang sa silay hindi ko na makita. 
Matagal akong nakatayo habang nakatulala sa lugar kung saan huli ko silang nasulyapan. Ang cellphone kung saan ang record ng aming mga panayam sa thesis pati na rin ang video sa panayam, dalawang wallet mhigit limang daang pera na ang masklap ay hinaram ko lamang na dapat sanay may pagkakagamitan ngayong araw, school identification card, registration card, 2 notebook kung saan nakasulat ang ilan sa aming mga panayam para sa aming thesis, 3 artikulo na lubhang natatangi na aming pinakaiingatan  muli para sa aming thesis. ilang pirasong damit ballpen at mga personal pang gamit.
Namalayan ko na lamang na gumagalaw na ang aking binti, hinahakbang ang aking paa at muli na naman akong naglalakad ipinagpapatuloy ang naudlot na paglalakbay pauwi sa aming bahay. Tatlong taon  ko nang nadadaanan ang kalsadang iyon papunta ng school at pauwi sa bahay, inaabot ako kung minsan ng alas tres ng madaling araw subalit kagabi lang alas once ng gabi, noon lamang ako nakaranas ng ganoon. Habang naglalakad ako iniisip kong sana masagasaan ang dalawang lalaking iyon, magkaluray-luray ang katawan, kumalat sa kalsada ang kanilang utak buhat sa nabasag nilang bungo. Hanggang sa biglang pumasok sa aking isip, dapat ko pa rin pa lang ipagpasalamat, buhay ako may konting galos subalit heto, humihinga at naglalakad pauwi ng bahay. Dapat kong ipagpasalamat sapagkat masuwerte pa rin ako, ako ang ginawan ng masama hindi ako gumawa ng mali.
Biglang nawala ang galit ko sakanila, naaawa ako, para sa maaari nilang kahinatnan. Iniisip ko tuloy sila na kaya ang produkto ng lipunan natin ngayon? Pero kung sasabihn nilang kahirapan ang sanhi ng kanilang pagnanakaw baka magalit ulit ako sakanila, wag nilang sasabhin sa akin na wala silang mahanap na trabaho, wag nilang sasabhn sa akin na walang tumatanggap sakanila at lalong wag nilang sasabhn sa akin na iyon lang ang alam nilang paraan, kung inayos nila marahil ang sarili nila hindi nila ginagawa ang tulad nang gayon. Wag sana nilang isisi sa iba ang kinasadlakan nila. Wag sana silang makalimot na lagi silang may pagkakataon, napakahaba ng oras na dapat sanay ginamit nila para sakanilang ikabubuti. Wag nilang sasabihing wala na silang magagawa sapagkat may kakayanan silang pumili, tayong lahat may kakayanang pumili, ng tama sa mali ng dapat sa hindi. Sa huli laging tayo ang gumagawa ng ating kapalaran hindi iyon isang papel na kapag hindi mo guguhitin hindi na magkakalaman.
Hindi ko ito ginawa para magpapansin,
Sa sinumang makababasa, maging alerto sana tayo palagi, masukal ang paligid lalo na ang lungsod.